MAGSASAMA-SAMA ang mahigit 200 Kapamilya stars sa Isang Pamilya Tayo Ngayong Pasko: The ABS-CBN Christmas Special na mapapanood mamaya at bukas ng gabi.
Minsan pang nagsanib ang lakas ng love teams nina KathNiel (Kathryn Bernardo & Daniel Padilla), JaDine (James Reid & Nadine Lustre) at LizQuen (Liza Soberano & Enrique Gil).
Napuno ng hiyawan at masigabong palakpakan ang Araneta Coliseum mula sa libu-libong fans!
Marami tuloy ang nagtatanong, kailan kaya pagsasama-samahin ang tatlo sa isang pelikula?!
Join forces din ang pogilicious leading men na sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Jericho Rosales, Zanjoe Marudo, Xian Lim at Gerald Anderson.
Hindi rin dapat palampasin ang mga bida ng mga programa ng ABS-CBN tulad ng FPJ’s Ang Probinsyano na pinangungunahan ni Coco Martin kasama ang child stars na sina Awra Briguel at Onyok Pineda.
Andiyan din ang cast ng Kapamilya comedy shows na Banana Split, Home Sweetie Home at Goin’ Bulilit.
Ang It’s Showtime family ay pinangunahan nina Vice Ganda, Anne Curtis, Billy Crawford, Vhong Navarro, Karylle, Jugs & Teddy, Amy Perez & Joey Marquez kasama ang Hashtags at GirlTrends na naghatid ng good vibes.
Matindi ang bakbakan sa kantahan ng TAWAG NG TANGHALAN finalists, ASAP Birit Queens at ASAP Soul Sessions.
May moment din ang coaches ng The Voice na sina Sharon Cuneta, Sarah Geronimo, Lea Salonga & Bamboo.
Nagpakilig din sina Bailey May, Ylona Garcia, Joshua Garcia, Julia Barretto, Ronnie Alonte, Jairus Aquino at Sharlene San Pedro.
“Ang Pasko, gaya ng pagbabago, ay permanente sa ating mundo. Kaya ngayong Pasko, sama-sama tayo bilang isang pamilya kahit ano pa mang nagbago sa ating paligid at sa ating lipunan,” sabi ng ABS-CBN chairman na si Gabby Lopez.
***
Nagpasalamat ang ABS-CBN chief content officer na si Charo Santos-Concio para sa pagmamahal ng mga manonood sa nagdaang mga taon.
“Lubos akong nagpapasalamat sa mga totoong kuwento ng inyong buhay na patuloy ninyong ibinabahagi sa amin sa pamamagitan ng MMK sa loob ng 25 taon,” sabi ni Charo.
“Ang inyong mga kuwento ay nagbigay inspirasyon sa amin na maging matatag sa kabila ng hirap ng buhay.”
“Sa dami ng mga pagbabago, pagsubok, at hindi pagkakaintindihan na pinagdaanan natin ngayong 2016, makakaasa kayong may pag-asa pa rin tayo para sa bayan at para sa pamilya natin.
“Ang bawat Pasko ay may kahulugan kung ipagdiriwang natin ito bilang isang pamilya,” sabi naman ng ABS-CBN president and CEO na si Carlo Katigbak.
Huwag palampasin ang Isang Pamilya Tayo: The ABS-CBN Christmas Special ngayong gabi pagkatapos ng MMK at bukas pagkatapos ng Wansapanataym Presents: Santi Cruz is Coming to Town sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).
Cto: Abante Tonite
Lizquen!!
TumugonBurahin